"Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay
higit pa sa shayop at malansang isda."
Para sa mga tao, ang Ingles ang wika ng daigdig upang magkakaunawaan ang ibat-ibang lahi, ngunit sa kabilang banda ang wikang Ingles ay hindi wika ng karunungan dahil ang isang bansa na may sariling wika, kultura at kabihasnan ay susi upang ang mga tao ay nagkaruon ng ugnayan sa isat-isa.
Isa ang sariling wika sa bumubuo ng ating pagkatao. Ang pag-gamit ng sariling wika ay hindi nakakabawas ng katalinuhan at kasikatan kung ito ay gagamitin sa maaayon na pamamaraan.
Marami ng nag-aakala na ang mga pilipino ay mahina o walang alam sa pagsasalita o pakikipagtalastasan gamit ang ibang lenggwahe ngunit isa itong maling akala dahil ilang persyento ng pilipino ay may kaalaman at dalubhasa nasa pagsasalita ng Ingles ngunit mas pinili nilang ipahayag ang kanilang sarili at karunungan gamit ang kanilang sariling wika na wikang Filipino.
Mpapansin natin na ang wikang Filipino ang gamit ng ating pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang mga talumpati at pakikipagtalastasan sa taumbayan, dito natin masasabi na ang "Filpino: Wika ng Karunungan" ay buhay na buhay. Dahil dito naipagmamalaki sa buong daigdig na hindi sukatan ng karunungan ay ang pag-aaral ng ibang lenggwahe kundi ang sariling wika lamang natin ang syang makakatuolong satin upang ang bayan natin ay umunlad.
Wikang Filipino ang sumasalim sa ating pagkatao kaya itoy ating tanggapin, pagyamanin, ipagmalaki, at gamitin sa ibat-ibang larangan ng pakikipagtalastasan. Hindi sukatan ang pag-aaral ng ibat-ibang lenggwahe upang matwag na entelihente, dahil wikang Filipino lamang ang wikang dapat pagyamanin.
Marami man ang wika sa mundo, wikang Filipino ay matatag at buong-buo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento